ano ang pag-asa?
ang dali para sating isiping may pag-asa pa. may bukas pa para sa mga maralita. na pwede pa, wag kang susuko, may awa
rin ang Diyos... pag-asang kinakapitan ng mga nilikhang naniniwala na may maganda pang mangyayari sa buhay nila. pero ano
nga ba ang tunay na pag-asa? meron pa nga bang pag-asa para sa lahat? ano bang silbi nito? para san ang pag-asang sinasabi
ng maralitang kababayan mo?
iba ang pagkakaintindi ko sa salitang pag-asa. taliwas sa kinagisnan ng mga tao. para sakin, ang pag-asa ay hindi ung
bagay o kahit ano na hinahangad mong darating kapalit ng hirap o sakit na nadaranasan mo. ang pag-asa sa mga mata ko ay ang
pag hihintay sa wala. ung di mo alam kung ano ang darating sayo. wari mo'y bulag ka na nangangapa sa kadilimang nasa harap
mo. yon para sakin ang tunay na pag-asa. ang patuloy na pagtingin sa kinabukasan ngunit wala kang ideya kung ano ang maaari
mong makuha mula rito. ito ang para sakin ay ang tunay na ibigsabihin ng salitang pag-asa...

|
 |
|
|
 |
 |
hinagpis ng kahapon
masarap balikan ang mga nagdaang panahon. mga tawanan, iyakan, awayan. pero nakakalungkot isiping may mga alala ka na
nais mo ng ibaon sa limot. kasi ngdadala lamang ang mga ito ng luha sayong mga mata. at alam mo na sa pagpatak ng luhang ito
ay aagos muli ang mga alaala na nais mo ng itapon sa kawalan upang mawala na ang sakit na nananatili sa yong pagkatao.pero
alam mo na kasabay ng pagnanais mong iawaksi ang mga gunitang ito ay lalu lamang silang nagiiwan ng marka sa sugatan
mo ng katauahan.kaya ang maaari mo lang gawin ay ang lumuha sa isang sulok, habang ikinukubli ka ng kadiliman. para di ka
masilayan ng sangkatauhan....

|
 |
|
|